THE BEST TEAM EVER

Bawat season ng Pinoy Big Brother pinapanood ko. At sa bawat episode, isa lang ang napansin ko. Sa kabila ng saya, swerte at tuwa nilang makapasok sa “bahay ni kuya”, may natatago pa ring pangungulila - ang mahiwalay sila sa kanilang kapamilya. Mahirap nga siguro na hindi mo pwedeng kausapin ang pamilya mo sa loob ng 100 araw o 3 o 4 na buwan. Ni makita sila ay hindi magawa. Ito na ata ang impact ng tunay na pangungulila sa tunay na nagmamahal sa’yo saan man, kailan man at ano pa man ang mangyari. Sabi nga ng isang radio announcer,

“Para malaman mong mahal ka ng pamilya mo at mahal mo sila, maglayas ka! Lumayo ka hanggang sa lugar na hindi ka nila makikita, manirahan ka doon mag-isa, walang kaibigan, walang kakilala, ikaw lang mag-isa. Sigurado, hahanapin ka nila. Doon ka lang sa lugar na ‘yun hanggang maramdaman mo ang pangugulila… at sigurado sa gitna ng iyong pag-iisa, pamilya mo ang una mong maiisip.”

Ang aking pamilya ay parang isang BASKETBALL TEAM. Una, dahil kumpeto kami para makabuo ng isang team at pangalawa, lahat kami ay mga barakong lalaki maliban kay nanay. Kung tutuusin talaga kayang kaya naming sumali ng liga. Pero kasali man o hindi, ito ang nakikita ko sa aking pamilya. Kami’y nasa isang malakihang “tournament”. Araw-araw ang laban sa isang malawak na basketball court. Iba-iba ang posiyon namin ngunit iisa ang adhikain, ang manalo sa laban ng sama-sama at hindi nag-iiwanan sa gitna ng court, walang “bwakaw” sa bola. Minsan kami ang umu-opensa at minsan kami ang dapat dumipensa sa iba’t ibang kalaban- kalungkutan, kahirapan, pangungulila at iba pang madalas na nararanasan ng bawat isa. “The BEST” ang pamilya ko kasi masasabi kong malapit na kami sa championship. Dahil yan sa “team work”.

THE MOLMISA TEAM

Iba-iba ang trabaho ngunit iisa ang adhikain- ang manalo sa laban. Bawat isa sa amin, may kanya-kanyang galaw, iba-iba ang taktika pero sinisigurado namin na makakabuo ng magandang “harmony” ang mga ito kung pinagsama-sama.

Si Tatay… (Quillano Molmisa) … “Ang Coach”

“Smile and the world will smile unto you…”
“A hungry soldier can never win a battle.”

Bilang “padre de pamilya”, si tatay ang tumatayong coach. Simula pa pagkabata, puro mga “words of wisdom” ang kanyang bukambibig. Puro mga kwento ng nakaraan ang laman ng usapan. Tinuturuan kami sa iba’t ibang bagay lalo na sa paggiging listo sa paglabas sa tunay na mundo. Naglingkod siya bilang pulis/hepe ng kapulisan sa Lungsod ng Makati. Parati niyang sinasabi na mag-ingat sa mga mandurukot, sa kanya namin nalalaman ang iba’t ibang “modus operandi” ng mga kriminal. Siya ang nagtuturo kung paano kami na huwag maloko ng sinuman. At bilang coach ng team, isa sa ugali niya ang ang pagiging “maaalalahanin”. Kahit na puro lalaki kami at barako, kapg sumapit na ang alas-dyis o alas-nwebe ng gabi, todo sa text, tawag at pagpapauwi sa amin sa bahay. Ganyan ang coach namin- hindi pinababayaan ang team na bumagsak at masugatan.

Si Nanay… (Rosita Molmisa) … “Ang Manager”

“Diskarte…sipag…talino at puso lang kailangan para manalo.”

Kahit na mayroon kaming coach, iba din ang “manager” namin. Tingin ko, siya ang mas may impluwensya sa grupo. Sa katunayan, hindi naman nakakahiya sa aking tatay, si nanay ang madalas na nasusunod sa grupo. Tingin ko, siya ang mas may hawak sa aming lahat. Kaya “manager” ang turing ko sa kanya. Doble ng pag-aalaga ang natatanggap naming sa kanya. Kapag walang pagkain, siya ang gumagawa ng paraan para huwag kaming magutom. Kagaya nga ng sabi ng coach naming, “A hungry soldier can never win a battle.” Agree naman ang Manager namin doon. Pero sa katunayan, pagdating sa ispiritwalidad ang nanay ko ang “the best” sa coaching. “Diskarte.. sipag… talino… at Puso lang ang kailangan para manalo.” Puso sa kapwa, sa pamilya, sa trabaho at lalo na sa Panginoon.

The KEY PLAYERS

“The Power Forward” – Arnel Molmisa , 30 years old.

On-the-go” parati si kuya Arnel. Siya ang panganay sa aming magkakapatid at kadalasan, katulad din siya ni nanay. Madiskarte kapag walang ulam. Bilang panganay, siya ang gumagalaw, siya ang lumulusob sa laban- ganyan ang “power forward” – parating “on-the-go”. Hindi niya pinababayaan ang grupo. Siya ang madalas nagbabantay sa kalaban at siya rin ang parating gumagawa ng paraan upang magkapuntos ang grupo. Malaki ang tulong ni Kuya Arnel sa team. Siya ang pinakamatapang. Kung walang susugod, siya na ang bahala para manalo kami sa laban.

“The Center” – Ronald Molmisa, 29 years old.

Hindi dahil siya ang pinakamalaki sa amin kundi siya ang “utak” ng team. Ang isang center ay kadalasan lamang nasa gitna (sa paligid ng free throw-line). Hindi gaano gumagalaw pero siya ang may malakas ng depensa. Siya ang madalas sa “rebound” at malakas sa grupo. Ganyan si Kuya Ronald- masasabi kong pinakamalakas sa amin. Hindi lamang sa pisikal kundi sa lahat pa ng aspeto ng buhay (mentally, emotionally, socially at higit sa lahat spiritually- ang mas nagpapalakas pa sa kanya bilang tao.) Valedictorian si kuya ng High School. At bilang center, siya ang nag-iisip ng estratehiya para manalo. Ang estratehiya? —– JESUS CHRIST’s Examples! – ayun ang susi sa aming pagkapanalo.

“The Shooting Gaurd” – Bernard Molmisa, 26 years old.

Siya ang pinakatahimik sa aming magkakapatid. Pero siya ang “pinakamabangis” sa pagpapanalo ng grupo. Hindi man siya madalas sumusugod pero si Kuya Bern ang bahalang gumalaw sa likod namin. Kadalasan, nasa likod lang siya. Inaalalayan kaming lahat at pumupuntos sa labas ng “free-throw-line.” Kahit na hindi siya kadalasang nasa harapan, mas malaki naman ang puntos na nakukuha niya. Kadalasan 3-point. Sa totoong buhay, ganyan si kuya. Hindi masalita pero malupet kung dumiskarte. Sa sweldo pa nga lang e. Sa tingin ko, siya ang bigatin. Gayunpaman, “humble” parati si kuya sa kabila ng tulong na naibubuhos niya sa grupo.

“The Small Forward” – Carlo Molmisa, 24 years old.

Flexible si Kuya Carlo lalo na sa pagpapatawa. Madaming kayang gawin. Bilang parte ng grupo, masasabi kong siya ang “small forward” ng team. Kaya niyang sumugod at kaya niya ring magpaubaya na pumwesto sa likod upang makapuntos. Kaya niyang gawin ang lahat ng ginagawa ng apat na starter. Ganyan si Kuya Carlo, minsan “nangunguna” sa pagsugod- madaldal pero minsan “nagpapaubaya”- tila isang maamong tupa na nakikisama desisyon ng iba. Isa siya sa nagpapakulay ng laban. Kumbaga sa chess, siya ang “rook”. Urong-sulong lang para malito ang kalaban at manalo ang team.

“The Point Guard” – Jonathan Molmisa, 22 years old.

Ang pinakahanda sa aming lahat. Kayang maghawak ng bola kahit anong sitwasyon. Bilang “point guard”, siya ang “ball handler”. Hindi niya hinahayaan na makuha ng kalaban ang bola. Sobrang pagpapahalaga niya rito at kailanma’y hindi magpapa-agaw. Si Kuya John2, sa aspeto ng natural na pamumuhay, ang bola ang sumisimbolo sa “responsibilidad”. Kayang maghawak gaano pa man kabigat o kagaan. Parati niya itong pinahahalagahan. At kung saka-sakali mang mawala ito sa kamay niya, ginagawa niya ang lahat para makuha ulit ito sa kalaban. Ang pag-alaga sa inatang na resposibilidad ang nagpapanalo sa grupo. Siya ang pinakamagaling dito. Sinisugardo niyang hindi ito mawawala sa kanyang kamay at lalo na sa team. Dahil sa pagpapahalaga dito, masisigurado niyang makakamit namin ang tagumpay.

“The Bench Player at Water Boy” – Marlon Molmisa “Ginoong Lapis”, 17 years old.

Hindi ako malungkot dahil “bench player” at “water boy” lang ako. Sa katunayan nito, natutuwa pa nga ako dahil natututo ako. Sa aking pag-upo sa bench, naniniwala ako na sa oras na ako’y tumayo at pumasok sa loob ng court, doble at triple pa ang gusto kong ipamalas. Sa ngayon, ako’y nag-aaral at tumutulong sa mga kuya kong gawin pa nila ang lahat ng kanilang makakaya. Ginagawa kong magbigay ng tubig sa kanila sa oras na sila’y mapagod. Ako ang pinakabunso, pinakabata at dapat pang matuto ng marami pang bagay. Kaya’t sa aking panonood sa aking mga kuya, natutuwa ako na sila’y nagiging inspirasyon ko upang maging isang magaling na player sa mga susunod na panahon. Gaya nga ng sabi ni John Maxwell, “Today, learner but tomorrow, leader.” Naniniwala ako na ang pagiging “bench player” ang magpapaangat sa aking maging “star player” sa ikakapanalo ng aming team.

“The Cheer Dancers” - Ate Gazel (kuya arnel’s wife), Ate Gie (kuya Onad’s wife), Ate Bechie (kuya Bern’s wife), Ate Lyn (kuya Carlo’s beloved girlfriend), Ate Mae (kuya John’s beloved gf), Lance (K. Arnel’s son, 2 yrs old.), Matt (K. Bern’s son, 11 month old.)

Para makamit ang tagumpay, todo “cheer” sila sa team. Sila ang nagpapalakas pa ng loob at nagpapataboy sa mga kalaban. Sa pamamagitan ng mga sigaw, sayaw at awit, mas tumatatag ang grupo. Sila ang parating nasa likod upang sumuporta. Kapag alanganin ang laban, alam na nila ang gagawin- ang asarin ang mga kalaban. Sila ang mga nagdadasal sa likod ng palaro. Parating nanonood upang malaman ang mga nagaganap. Matalo man o manalo, nandiyan sila upang sumuporta. Kung wala sila, hula ko madaling susuko ang team. Dahil sa kanila, patuloy pa rin ang laban kahit ano pa man ang mangyari.

MOLMISA FAMILY. Iba-iba man ang galaw ngunit iisa ang patutunguhan. Walang nagsasarili, wala dapat nagpapaligsahan sa loob ng team. Lahat kami ay sama-sama, nagsusuportahan at nagpapalakasan ng loob. Lungkot, kahirapan at kapighatian man ang dumating, walang susuko- ganyan ang grupo ko. “THE BEST TEAM I EVER HAVE.” Naniniwala ako na makakamit namin ang aming tropeyo. At ang tropeyong ito ay wala ng ibang pagbibigyan kundi sa aming DIYOS at PANGINOON. “To God be the Glory”!

“As the challenge escalates, the need of teamwork elevates.”
LAW OF MOUNT EVEREST
17 Irrefutable Laws of Teamwork by John Maxwell

33 Responses to “THE BEST TEAM EVER”

  1. grabe. 5 kayung lalaki. ikaw pa bunso. haha. ako panganay kasi samin eh. at kaedad mo ako.

  2. ang tanda na ng panganay sa inyo. sa ‘min ako na ang bunso at ‘yung panganay ay 28. at grabe. all boys talaga ah.

  3. Padre Salvi

    haha. musta naman ang pagiging panganay?

  4. Joanne

    yeah. saya nga puro lalaki kami.. :D

  5. wala akong alam sa basketball.
    at mas lalong wala akng alam pagdating sa ganyang pami-pamilya.

  6. hmmm… basketball? miski nung araw ako’y walaaaang katyaga-tyaga riyan! :P no offense guys ha? maganda talaga yan. it just so happened na di ko lang hilig ang sports na may bola. but I would recommend it as one of the best.
    hmmm… family? gus… dyan ka magdidikit kay ginoong lapis.

  7. paurong

    turuan kitang magbasketball…

    hindi man kita maturuan sa pami-pamilya,
    alam ko magiging champion ka kung magpapaturo
    ka kay LORD.

  8. homebodyhubby

    haha.. ganun po ba.. jackstone? magandang sports un… :D

  9. what is this??? i can’t understand???
    you must be noriko or marlon…

  10. ayos toh a..para karing si bob ong..trroooiinngg..

  11. parehas kami ni padre salvi, panganay ako pero ka-edad niyo rin ako.
    champion yang pamilya niyo. God bless.

  12. ako’y isang panatiko ng basketball. at natuwa ako sa post na to. ang galing kasi.. ^_^

    panganay din pala ako, at kasing-edad mo lang din, sarap siguro ng may kuya. haha.

  13. dyakiston? hustler ako dyan hehee…

    yang basketball magaling magpalakas ng stamina yan. naalala ko nun napasubo ako maglaro. hingal at hagok ako pero yung kalaro kong two years older sa akin e hindi man lang napagod?

    Ako naman panganay sa apat na lalake pero ako pinakabansot :lol: . Panganay at bunsong kapatid ko parehong babae.

  14. malungkot talaga dito hindi katulad ng diyan sa inyo… hays ginoong lapis, kailangan ko ng tulong… tubig please..

  15. AAAAAHHH!!! eUreKa!!!
    you are Marlon!!!
    eniweyz, di naman tau close…
    tinanong lang kita kay jane ibay at ronnie chu… :-|

  16. dalawa, higit sa lahat, ang ‘public servants’ na bilib ako: PULIS at GURO.

    sana dumami pa ang mga PULIS — at AMA — na tulad ng tatay mo!

    I salute you, father! sir!!!

  17. may nagkakacrush sau kuya marlon… heheheheh.

  18. grace

    yes! i’m marlon. the hondsome boy. nyahahaha. joke.

  19. miko

    ganun talaga ang buhay.

  20. tim ang

    magkakaedad pala tau…

  21. akda

    panatiko pala tau ng basketball. maganda yan.

  22. homebuddy

    ako, bunso.

  23. pokemon

    magsaya ka lang diyan.. hehehe…
    Jesus loves u!

  24. grace

    yes! dats me!!

  25. homebudy

    bayani talaga kaming mga guro!!

    hahaha!

  26. chanel2

    sino?

  27. Ayos ah! Galing mo talaga sa mga ganyan Marlon! Hahaha!!

    Kamusta ka na pala? Yung librong hineheram mo ‘di ko makita eh…Nakakahiya naman sa’yo! Hahaha! Kapag nakita ko, i-LBC ko pa sa’yo! Hahaha!

  28. di ako masyado sa basketball, pero tingin ko masaya ka sa pamilya mo..woooohhhoooo~ same here.. eldest nga lang ako ^^

  29. kaloyskie

    aus lang un..

    malakas ka naman sa akin e.. hehehe..

  30. w.vines

    saya nga sa amin!! hehehehe…

  31. Marlon…

    Hindi ko bnasa lhat pro ang gnda ng content?!

    Khit un una’t huli lang ung bnsa ko na-scan ko nmn lhat eh…

    Aus ha!! Nice basketball family!!! Hehehe…

    Un lang…

    God Bless…

    cHayChi…(^_^)

  32. chay

    siyempre! hehehe..

    astig db.

  33. NiCe WoRk bro!!! :)

Leave a Reply