PASIG HIMIG CHORALE- /Pamantasan ng Lungsod ng Pasig Choir Group/ - dalawa hanggang tatlong taon palang ang grupong ito. Ngunit nakapunta na rin sa iba’t ibang panig ng Pilipinas upang ipamalas ang talento sa pag-awit.
Adviser: Mrs. Elvira Garcia – professor po naming sa MUSIC101 at nagtuturo rin sa St. Paul- Pasig. Pang-madrigal ang voice quality.
Choir Master: Jasper Dominggo- BS Math sa PLP. Mahusay magpiano at iskolar sa College of Music sa UP.
Section Leaders:
Soprano: Ate Elaine
Alto: Ate Mary
Tenor: Kuya King
Bass: Kuya David
First week ng August, ako’y napapad sa music room. Sinabi sa akin ni kuya Jasper, mag-audition daw ako sa choir. Akala ko nagbibiro lang, kaya sinakyan ko nalang ang inaakala kong isang malaking lokohan. Hindi naman kasi ako kumakanta. Kung umaawit man ay sa banyo o kapag walang tao. Pakiramdam ko ang galing kong kumanta. Sa tulong ng klasmeyt ko, (Fraulein), sinama niya kaming dalawa ni Danilo (tenor) sa music room sa practice nila, araw ng sabado.
Sa isang iglap. Member na agad ako! Pinasabak na agad akong magbasa ng nota na hindi ko naman talaga maintindihan. Tono nalang ang iniintindi ko at hindi na ang pasikot-sikot na nota.
Nadadalian lang ako kumuha ng tono sa kasection ko. Nakukuha ko naman. Pero medyo nagugulo na ang mundo ko kapag sabay-sabay na ang choir. Iba-iba kasi ang tono ng bawat isa. Kaya minsan napapasama ako. Pero nasanay na ako, natutunan kong maging ‘focus’ sa lahat ng bagay. Hindi lang sa choir kundi sa aking buhay.
Unang awit: Putungan si Ma’am Cory Raymundo
Si ma’am Cory ang dating presidente ng PLP. Nang nanalo siya bilang no.1 councilor ng Pasig, iniwan niya muna ang Pamantasan. Kaya’t nagkaroon ng ‘putungan’. Ano ba ang putungan? Sabi nila, ito daw ay isang tradisyon sa probinsya (Ilocos ata ito?) na kung saan ang isang tao ay sinasayawan ng tradisyong sayaw at inaawitan habang linalagyan ng korona sa ulo bilang pasasalamat o paggalang.
Pangalawang pagkakataong umawit: Misa sa Prayer Room
Hindi ko pa alam ang tono ng ibang kanta noon kaya napilitan nalang ulit akong mag-lip sing.. hehehe..
3rd: Tiendesitas- sing 4 me choir concert!
Proyekto po ito ng DSWD sa mga batang kapuspalad. Fund raising. Masaya naman! Dahil ito ang unang choir concert na napanood ko… (pinanood ang sarili?) hehehe..
Pang-apat- Paskong Himig Elimination Round
Ang paskong himig contest ay isang patimpalak ng aming Mayor Bobi Eusebio para sa lahat na ipamalas ang galing sa pag-awit ng mga pamaskong awit. Buti naman ay nakapasok kami sa elimination round.
5th- GMA 7 Sing 4 Me Christmas Celebration
Ito’y proyekto ng DSWD para sa mga kapuspalad na kabataan at naisakatuparan dahil sa tulong ng Mayor’s Spouse Organization at GMA 7 sa pag-oorganisa upang pagtipon-tipunin ang iba’t ibang choir sa buong Metro Manila. At isa ang Pasig Himig sa mahigit 26 na chorale na nagsama-sama sa naturang pagtitipon. Napagbigyan kaming umawit ng isang kanta- “gloria”. Ito ay ipapalabas sa Dec. 16, 2007. Dapat ay isasama ito sa Book of World Record na napakadaming choir na nagtipon-tipon at umaawit sa iisang lugar. Ngunit hindi ko alam kung ano na ang nangyari.
Pinakahuling awit: Paskong Himig Final Round
Ito ang pinakahuling awit ko sa isang choir, hindi ko pa masigurado kung ito na nga ang huli. (ngunit nawa naman makaawit pa ako sa mga susunod na araw.) Napakadami na kasi ang ginagawa ko, at hindi ko na masigurado kung may pagkakataon pa. Pero, hindi ko makakalimutan ito. 2nd place kami! (sa consolation). Hehehehehe…
Mabuhay ang PASIG HIMIG!!! Ang bawat nota, tono at kumpas na aking natunghayan, narinig ay isang kasiyahan sa aking puso. Napagbigyan akong umawit kahit na hindi ko naman talaga forte ang pag-awit. Sa limang buwan ko sa pamilyang ito, marami akong natutunan. Lalo na sa pagiging pinuno at tao sa isang malawak na mundo.
LESSON:
“Kung nais nating makasabay sa saliw ng awitin, alamin muna natin kung nasaan tayo, ang tono at tamang nota na ating gagalawan… at kung alam na natin kung nasaan tayo, subukang makipagsapalaran… makilangoy sa iba’t –ibang melodiya kung saan matutunan natin na hindi tayo magkakapareho… ang bawat isa ay kakaiba…. Ngunit tandaang “ikaw” ay “ikaw”… kilalanin ang sarili hindi lamang sa mga taong katulad mo kundi sa mga taong iba sa’yo- alamin natin kung nasa tono pa ba tayo o di namamalayang sintunado na sa harap ng maraming tao…”
Kuya Jasper: Kumanta kayo hindi lang sa mga ka-section niyo kundi sa buong choir.
Filed under: family, my group, plp, songs | Tagged: choir, pamantasan ng lungsod ng pasig, pasig himig chorale
katuwa naman. ako din nagchoir din. nakakamiss nga noh?
akalain mong choir ka na pala!!!! bwhahaha!!! sige marlon, keep up the good work! I miss you Godbles!!
si misis ko antagal ding member ng choir — alto.
ako hindi pede. baritone ako e — nagba-vary ang tono!
merry christmas sa’yo, mr pencil.
happy new year sayo, ginoong lapis!
God bless.
share
wow! sang choir ka po?
bisitang paul
bakit naman bisita…?? welcome ka po sa blog ko..
home
wow naman po!! choir din asawa niyo??
hehehe..
kakatuwa.
happy New year din po!!
mali po ang html syntax.. hahaha