My Lola (1930-2007)

Teresita Mijares Molmisa (1930-2007, 77 years old.)

“Dito sa lupa, hindi ko tahanan… doon sa langit, ang tunay kong bayan.”
(Hymn)

Kahapon lang. Sunday. 12-30-07. 03:00pm. Habang naglalakad kami kasunod ng karo ng labi ni lola, nararamdaman ko na ang nangingibabaw na emosyon. Ang karamihan sa paligid ko ay malungkot na nag-iiwan ng hakbang sa kalsada papuntang simbahan at sementeryo. Ang pinsan kong nasa harap, isa sa mga laking-lola, ay humihikbi na halatang umiiyak. Nagpipilit akong ngumiti at tumawa pero ganun pa rin, malungkot ang awra. Bigla ko nalang naalalang muli si lola. Ang lahat ng kanyang naiwang alaala. Sampum piso, champurado, unan, bimpo salamin at bibliya… Lahat ng ito’y paulit-ulit na dumadaan sa aking isip. Ang lahat ng ito ang bumabalot sa utak ko habang naglalakad. Hindi ko na maiwasan na bumagsak ang aking luha mula sa aking mga mata. Sa isang linggong burol hanggang sa araw ng libing, doon lang ako naluha. Hindi dahil wala na si lola kundi dahil alam kong malaki ang naiwang pagmamahal niya sa puso ko. Isang malaking ‘impact’ ang kanyang burol sa akin ngunit pinipigil ko pa rin ang aking emosyon. Isang bagay lang ang nasabi ko sa aking sarili at sa Diyos – “Ma-mimiss ko si lola. Ma-mimiss ko talaga siya…”

Sampung Piso. Hindi ko talaga malilimutan ang unang sampum pisong aking nahawakan sa buong buhay ko. Si lola ang unang nagbigay sa akin ng perang papel na may mukha ni Apolinario Mabini. (Hindi pa niya kasama si Emelio Aguinaldo noon.) Ugali na kasi ni lola ang nagbibigay ng piso-piso sa mga apo niya pambili ng candy o tsitserya (snack). Kaya laking tuwa ko noon, at tandang-tanda ko pa, habang ako’y naglalaro sa labas ay tinawag niya ako at binigyan ng sampung piso pambili daw ng miryenda.

Champurado rin ang unang natatandaan kong pagkain. Alam kong hindi iyon ang una kong nakain sa buong buhay ko, pero ayun ang unang natatandaan ko dahil champurado ang parating nakahain sa mesa nila lola tuwing sumasapit ang alas tres ng hapon. Grade 2 o 3 pa ako noon na malakas pa si lola at naghahanda ng champurado para sa lahat ng makikimeryenda sa kanilang bahay.

Unan. At hindi ko rin malilimutan ang alaala ng unan. Nang isang araw na umalis si nanay, tatay at sila kuya, naiwan ako sa bahay nila lola. Doon, natatandaan ko pa ang malaking unan na puti na mayroong dilaw na bulaklak sa gilid nito, ang unang unan ni lola na nayakap ko. Malambot at masarap yakapin. Nagsyesta ako noon at paggising ko, champurado ang nakahain sa mesa.

Bimpo. Mabait na sa akin si lola. Marahil dahil ako ang pinakabata niyang apo. Kaya sa tuwing nakikita niya akong naglalaro sa labas ng bahay, parating nakatanaw sa bintana nila si lola at tinignan ako kung ako’y nadadapa o nagkakaroon ng kaaway sa paglalaro. Kaya nga isang hapon nang ako’y naglalaro, lumabas si lola ng pintuan at tinawag ako dala-dala ang isang malaking bimpo at inilagay sa aking likod. How sweet naman si lola. =)

Salamin at Bibliya. Minsan ‘pag nadadaan ako sa bahay nila, nakikita ko si lola na nakasuot ng salamin at nagbabasa ng Bible. Hindi ko man alam kung ano ang binabasa niya noon pero nalaman ko rin nang ako’y lumalaki. Si lola din ang isa sa mga nagkekwento sa akin ng mga Bible Stories.

Harmonica. Ngayon ko lang uli naalala ang tunog nito, at ngayon ko lang din naalala na may binigay sa akin si lola ng isang harmonica. Ngayon lamang talaga habang ako’y nag-tatayp. Kinuha ko pa ang harmonica at inihipan. Mas lalong naalala ko tuloy si lola. Second year high school na ata ako nang ibinigay sa akin ni grandma ito. Sabi niya, itago ko daw. Itinago ko naman ngunit hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano tugtugin ito. Ngunit ipinapangako ko, pag-aaralan ko kung paano gumawa ng musika gamit ang harmonica ni lola.

“Congratulations! Well done lola! I love you.. Welcome to the Kingdom of the LORD!! I will miss you!!”

18 Responses to “My Lola (1930-2007)”

  1. Marlon…

    I’m so touched!!!

    Ahuhu..

    I remember Pastor Norman, KKB Pasig’s Youth Pastor…

    When he passed away i said that i will miss him so much and he will always stay in my memories!!!!

    Haaaaaayyyyyyy….

    But as u said at ur blog…

    “Congratulations! Well done lola! I love you.. Welcome to the Kingdom of the LORD!! I will miss you!!”

    —Amen!!!!

    Thank you 4 reminding me bout my youth pastor!!!

    God Bless…

    cHayChi…(^_^)

  2. chay

    yeah! i know my lola is there ryt now. :)

  3. nakkangtuch!

    nakakatouch at tlg nmng memorable tlg ang pnagsamahan nyo ng lola mo.

    happy new yr nga pla!!!!

    welcome 2008!!!!

  4. nakikiramay po…

    Swerte ka pa rin kase nakasama mo sya ng matagal, yung iba nasa probinsya yung mga lolo at lola nila at bihira lang nila makasama.. Nakaka touch yung story mo with your lola…

    happy new year!

  5. i have never gotten close with any of my grandparents that much. i must say that you really caught my emotions. that’s very rare.

    condolence to you and to your family.

  6. Kapag ganyan ang lola, mami-miss mo nga talaga… Kaya I understand why you were crying. Those tears are NOT the tears of despair — nakakaMISS lang talaga. Ngunit ang mga luhang yan ay may kalakip na LIGAYA, for we know na “grumadweyt lang” sya. ;)

    Yes… I’m sure she’s in a better place right now — the BEST PLACE indeed!!! :D

    Someday there will be a GRAND REUNION — kayo, ang Lola mo, at ng lahat ng mananampalataya — kapiling ng DAKILA at NAG-IISANG AMA!

    Hallelujah! :D :D

  7. ang cool ng lola mo… ^_^ masaya siguro sia DUON…

    ganda ng post. kakatuwa. happy new year!

  8. I’m sure happy na ang lola mo sa piling ni Lord.

    Salamat sa pagbisita sa blog ko, akala ko si Pastor Lapiz na nakahanap ng bahay ko eh! Hehe!

    God Bless!!

  9. nakaaiyak.

  10. eloiski

    salamat po.. and memorable talaga ang moment ko w/ my grandma… only few knows.

  11. angel

    bless na bless nga po ako kay lola..

  12. gyk

    bakit di po kayo close…??

  13. home

    salamat po kuya… and i biliv kasama ka rin sa malakihang reunion… :D

  14. akda

    yeah! cool talaga si lola… d best!

  15. kiko matsing

    salamat din pp sa pagdaan sa blog ko..

    pastor ed? hehehe.. iba kaming dalawa..

  16. grace

    nakakaiyak ba talaga? be happy… hehehe.. :D

  17. Marami sa atin naman ay gusto na umuwi sa langit… ako…. but ONE MORE FOR JESUS para marami tayo magwoworship kay God doon sa paraiso. :)

    “For God so loved so world, He gave His only Son that whosoever believes in Him shall not perish but have eternal life.” -John 3:16

  18. kuya aaron

    yeah! not only one more! MORE and MORE for HIM… :D

Leave a Reply