Buhay si Lola! Buhay Siya!!

“Listen! I tell you a mystery: We will not all sleep, but we will all be changed- in a flash, in the twinkling of an eye, at the last trumpet. For the trumpet will sound, the dead will be raised imperishable, and we will be changed. For the perishable must clothe itself with the imperishable and the mortal with the immortality. When the perishable has been clothed with the imperishable, and the mortal with immortality, then the saying that is written will come true: “Death has been swallowed up in victory… Where, O death, is your victory?… Where, O death, is your sting?”

1 Corinthians 15:51-55

Nanaginip na naman ako. At bawat panaginip ko ay parating may mensaheng naiiwan sa puso at isip ko. Kagabi lang, mahimbing akong natutulog dama ang lamig ng paligid. Kahit isa lang ang unan ko ay nakatulog pa rin ako ng maayos. Kahit na sobra ang lamig na bumabalot sa katawan ko, mahimbing pa rin akong naglalakbay sa aking panaginip.

Flashback:

Nang inilibing si lola noong ika-29 ng Disyembre noong nakaraang taon lamang, habang nasa simbahan kami at nakatayo sa tapat ng kabaong ng labi ni lola, tinititigan ko siya. Hindi ko maintindihan kung ito’y isang guni-guni lamang o isang hudyat ng isang malaking katotohanan. Humihinga si lola! Oo. Gumagalaw ang kanyang dibdib pataas at pababa… paulit-ulit na nangyayari. Hindi ako natakot, dahil alam ko na ang ibigsabihin noon. Parang natutulog lang siya sa isang puting kama. Nang nagpunta na kami sa sementeryo, bago ilagay sa kanyang puntod, binuksan ulit ang kabaong. At doon, tinignan kong muli si lola. Ako’y nasa parteng ulunan ng kabaong niya at tinititigan ang bangkay na nasa loob ng tila isang puting kama. Walang pagbabago. Humihinga si lola. Naramdaman ko ang init sa aking mga tenga, at naglalaro sa aking isip: “buhay si lola! Buhay siya!”

Ang panaginip:

Pitong araw ang makalipas pagkatapos ng libing ni lola, dumating ang isang panaginip. Nagbalik muli kami sa mga oras na ibinuburol si lola. Nagtataka ako kung bakit binuburol na naman ang mga labi niya. Ang alam ko e naihatid na ito sa huli nitong hantungan- ang puntod. Pero, ayun na rin pala ang oras na ililibing ang labi niya. Parehong- pareho ang nangyari. Ang mga pangyayaring kami’y nasa simbahan at tinititigan ko ang humihingang dibdib ni lola. Biglang sa isang saglit lang ng aking pagtitig, biglang bumangon ang kanyang bangkay. Bigla nalang bumukas ang kabaong at malakas na umalis sa kinahihigaan. Nakakapagtaka dahil wala ni isa sa amin ang natakot. Mabilis ang pangyayari at nagyaya agad si lolang umuwi ng bahay. Parang isang kurap pa lamang ay nasa bahay na kami. Nakaupo ang aking lola na masiglang nakikipaglaro sa mga pamangkin ko/sa mga apu-apuhan niya. Nakangiti at hindi bakas ang mga sakit na sa kanya’y dumapo. Gaya ng kasiglahan at buhay na katawan ni lola, buhay na buhay rin ang aking panaginip. Pangalawang beses na ito na nakapanaginip ako ng patay na nabuhay. Isang panaginip na nagpapahiwatig ng isang katotohanan.

Ito ang katotohanan!

Buhay talaga si lola. Bali-baliktarin man natin ang ikot ng mundo, buhay siya. Isang katotohanan na aking yinayakap at pinaniniwalaan.

“Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya’t ibinigay Niya ang kanyang BUGTONG na ANAK (Hesu-Kristo) na ang sinuman sa kanya ang sumampalataya ay hindi mapapahamak, kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

Ang sinumang lumapit sa Diyos, humingi ng tawad at tanggapin ang Kanyang anak na si Hesu-Kristo bilang sariling Panginoon at Tagapagligtas at magpatuloy sa Kanyang kalooban ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Buhay na kailanma’y hindi mamamatay. At buhay na makakadama ng maginhawa at walang hanggang kasiyahan.

Ikaw? Handa ka na bang lisanin ang maruming mundo? At alam mo na ba na kung saka-sakaling ika’y mamatay sa oras na ito, alam mo kung saan ka papatungo?

Pag-isipan mo.

9 Responses to “Buhay si Lola! Buhay Siya!!”

  1. how inspiring… im sure buhay na buhay nga ngayon ang lola mo with God and sure she’s watching over you from above…
    yung last sentences mo something na dapat talaga i-relfect…
    ako? sa totoo lang hindi ko pa alam.. kung nabasa mo yung napagdaanan ko sa blog ko.. pero unti unti nababago ko na takbo ng buhay ko.. thanks sa mga kaibigan ko na walang sawang sumusuporta at nagpapayo sakin… At syempre, nagwowork din ang m,ga prayers ng bawat isa sa kanila..

    please continue to inspire many people… isa ako sa mga laging nagbabasa ng mga entries mo..

  2. sana mabasa ito ng marami — especially ng mga naghatid ng ‘condolence’ sa nakaraang post.

  3. hindi ko alam kung saan ako pupunta..

    saan nga ba?

  4. i know it is a very cruel world but right now i am not yet ready to leave it. i won’t miss the world itself but i will miss the people i love. actually, i think i haven’t done my purpose in this world yet. my assignment isn’t finish yet.

    if i will die, i don’t have any idea where will i go but i am pretty sure that god is with me. i put my whole trust in him.

  5. angel

    glory to God po..

    its not me who wrote that,
    its Jesus who touches our hearts..

  6. home

    sana nga po.. :D

  7. paul

    kausapin kita about jan..

  8. gyk

    life is really short.

  9. its a wonderful assurance that in His time.. we’ll see are departed brothers and sisters in Christ.. pati lola natin.. in heaven.. in His time.. my lola passed away 2 months ago.. at I thank God dahil someday.. i can get to see her again dahil sa buhay na walang hanggan… :)

    nice blogs.. galing!

    God bless..

Leave a Reply